SUBSCRIBE

Bakit hindi dapat bigyan ng smart phone ang mga bata? Epekto ng smartphones sa bata




Bakit hindi dapat bigyan ng smart phone ang mga bata?
Ano ba ang pinagkaiba ng cellphone sa tv?

Napapansin nyo ba na ang mga bata ngayon
ay sobrang titigas ng mga ulo kumpara sa mga
bata noong unang panahon.
At bukod dyan ay marami ang mga bata
na may mga psychological disorders.

“Eh bakit dati may tv din naman ah,
nanonood din naman tayo nung bata pa tayo?
Bakit ko naman babawalan manood
ang anak ko sa cellphone?”

Ok…
Ganito kasi yan…
malaki ang pagkakaiba ng tv sa cellphone…

#1
Content
Noong unang panahon…
ang mga palabas sa tv
ay kontrolado ng mga istasyon.

At ang mga palabas na ito
ay binabantayan din
ng isang ahensya ng gobyerno
at pati ng simbahan.

Ngayon naman sa internet ay
kahit sino ay maaaring gumawa ng content
at mahirap bantayan.

#2
Time
Ang mga palabas noong unang panahon
ay mayroong nakatakdang oras
kung kailan lamang ipapalabas.
Kaya naman sa araw
ay wala tayong nakikitang mga palabas
na hindi angkop sa mga bata.

Ngayon naman sa internet, walang programa.
Kahit anong oras ay maaaring mapanood
ng kahit sino ang isesearch nila.
Minsan pa ay bigla nalang may susunod
na palabas na hindi angkop sa nanonood.

#3
Feedback
Madalas ang bilang ng telebisyon sa bahay
ay kakaunti lamang
at wala din iba pang libangan
ang mga tao (syempre wala pang internet).

Dahil dito,
madalas ay kung manonood ang mga bata
ay kasama din ang matatanda.
Kaya naman madaling mabigyan ng
gabay ang mga bata
kung may mga pinalabas na hindi maganda.

May feedback kumbaga.

Ngayong panahon,
dahil sa busy ang mga magulang magdudutdut sa selpon,
ang nangyayari ay bibigyan na ng sariling selpon ang bata
at manonood na o maglalaro buong araw.
Walang nang feedback.
Walang gumagabay at nagsasabi
kung tama ba o mali ang mga pinapanood nila.

Ano ang mga dapat gawin?

Syempre, kung maaaring hindi pahawakin
ng cellphone ang mga bata
at hayaan silang makipaglaro
sa ibang mga bata
ay mas maigi.
Kung mapapansin ninyo,
ang mga batang lumaki sa probinsya
ay mas mababait
at mas madaling kausapin.
Mas mature kumpara sa mga
batang laki sa syudad
na laging nakatutok sa cellphone.

Ngayon,
kung kailangan talaga
at hindi talaga maiiwasang
papanuorin ng cellphone ang bata,
ay dapat suriin ng husto
at piliin ang mga palabas
na papanuorin ng bata sa cellphone.

Sa mga sikat na mga video platforms
tulad ng Youtube,
ay mayroong mga paraan
upang ma-sala ang mga pinapanood ng mga bata.
Gaya ng parental controls,
monitoring,
restricted mode,
at iba pa.

Kailangan lamang ay pag-aralan.
Ito ay importante
kaya’t maiging paglaanan natin ng panahon
para sa kinabukasan ng mga bata.