SUBSCRIBE

Ano ang pinagkaiba ng Scallions, Green Onion, at Spring Onions?

Ang lathalang ito ay narito upang linawin ang pagkalito at idetalye ang pagkakaiba sa pagitan ng scallions, green onions at spring onions.

    Ang scallions, green onions at spring onions ay madalas ginagamit sa pagluluto sa Asia, America at Europa.

    Ang bumbilya nito at ang dahon ay pwede makain at ang mga ito ay hindi masyadong matapang ang lasa kumpara sa normal na sibuyas.

    Yun nga lang, ang mga ito ay halos pare-pareho ang itsura at mahirap tukuyin sa isa't isa.

    Ang lathalang ito ay narito upang linawin ang pagkalito at idetalye ang pagkakaiba sa pagitan ng scallions, green onions at spring onions.

    Ang pinaka-pinagkaiba ng scallions at green onions ay tanging ang edad lamang.

    Ang scallions ay mas bata kesa sa green onions, at inaani sa mas maagang yugto ng kanilang paglaki.

    Makikita ang pagkakaiba nila sa isa't isa sa pamamagitan ng lapad ng puting bumbilya sa dulo ng halaman. Dahil mas konting panahon ang pinanatili nito sa lupa, ang puting bumbilya ng scallion ay mas manipis kesa sa green onion.

    Ang madalas na batayan ng marami, ay ang puting bumbilya ng scallion ay dapat halos kasing lapad ng dahon ng halaman.

    Ang green onions, na mas matanda ng konti, ay may merong mas malapad ng konti na puting bumbilya sa dulo. Itong bumbilyang ito ay madalas na mas malapad kesa sa dahon at hugis-itlog, hindi pabilog.

    BUOD: Ang scallions ay batang green onions. Malalaman mo ang edad nito at kung ito ba ay masasabing scallion o green onion sa pamamagitan ng lapad ng bumbilya nito.

    Ang spring onions ay mas matanda kesa sa green onions at scallions

    Ang spring onions onions ay madalas itinatanim sa katapusan ng taginit para lumaki sila habang taglamig at handa para anihin sa tagsibol. ( spring = tagsibol. kaya tinatawag na spring onions )

    Mas matanda sila kesa sa scallions at green onions ngunit maituturing paring batang sibuyas, at inaani bago magkaroon ng tyansang lumaki pa.

    Matutukoy mo ang spring onion sa pamamagitan ng maliit na pabilog na puting bumbilya sa dulo nito. Habang pareho ang itsura nito sa scallions at green onions, ang pabilog na bumbilya ay malaking palatandaan.

    Ang spring onions ay nagtataglay ng mas matapong na lasa kumpara sa scallions at green onions dahil sa edad nito.

    Pero mas banayad padin ang lasa nito kumpara sa normal na sibuyas, na hinayaan ng mas matagal at pinalaki.

    BUOD: Ang spring onions ay mas matanda kumpara sa scallions at green onions. Dahil sila ay iniwan para lumalaki ng mas matagal, at ang kanilang bumbilya ay mas lumaki at mas pabilog.

    Ang green onions at scallions ay galing ba sa iisang halaman?

    Lahat ng batang sibuyas ay pare-parehong merong guwang at mahahabang luntiang dahon at maliit na medyo puting mga bumbilya.

    Gayunpaman, para sa ibang tao ang totoong scallions at green onions a galing sa partikular na klase ng halamang allium, ang Allium fistulosum na uri ng halaman.

    Ang uri ng halamang ito ay naiiba sa ibang sibuyas, dahil ito ay hindi nagkakaroon ng bilog na bumbilya.

    Kahit na iwanan sa lupa upang lumaki, ang mga halamang ito ay magkakaroon parin ng diretsong puting bumbilya.

    Gayunpaman, ang "scallion", "green onion" at "spring onion" ay hindi opisyal na pangalan ng halaman kung kaya't hindi ito kalakip ng anumang partikular na uri ng halaman.

    Bagaman ang sibuyas ng uri ng halaman ng Allium fistulosum lamang ang pwedeng magin scallions at green onions, kahit anong batang sibuyas ay maaaring ibilang sa mga kategoryang iyong depende sa edad ng halaman.

    BUOD: Ang mga terminong "scallion" at "green onion" ay madalas tumutukoy sa edad ng halaman. Bagaman may mga uri ng halaman na sibuyas na maaari lamang mamunga ng kung hindi scallions ay green onions, posibleng kunin ang mga ito galing sa ibang klase ng sibuyas.